Wednesday, September 18, 2013

MGA PAMBANSANG SAGISAG

Pambansang Bulaklak

Sampaguita

Ang sampaguita ay sumisimbulo sa payak na kagandahan o payak na pamumuhay ng mga Pilipino. Ang kulay nito ay sumisimbulo din sa busilak ng puso at dalisay na pamumuhay.




Pambansang Puno


Narra 
Ang narra ay sumisimbolo ng katatagan ng isang Pilipino. Kahit ilang bagyo pa ang dumaan ito ay hindi basta basta nabubuwag o natutumba. Katulad din ng isang Pinoy. Sa kabila ng napakaraming pagsubok na dumarating sa buhay, nananatili pa rin itong lumalaban, matatag at napapatagumpayan ang bawat problema. 



Pambansang Prutas

Mangga 
Ang mangga ay isang punong kahoy sa Asya na nagbibigay ng bunga. Ang bunga nito ay matamis kapag hinog at masarap din kung hilaw. Sa Pilipinas, partikular sa Zambales at Guimaras, niluluwas ito palabas ng bansa para pagkakitaan. Ito ay sumisimbulo sa pagiging mapagmahal ng mga pilipino dahil ito ay hugis puso



Pambansang Dahon

Anahaw
Ang anahaw ay isang pabilog na dahon na palma na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Ginagawa itong pamaypay tuwing tag-araw.


Pambansang Hayop

Kalabaw
Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang kalabaw, dahil masipag at malakas ang mga ito tulad ng mga Filipino.


Pambansang Isda

Bangus
Pambansang sagisag ng Pilipinas ang mga bangus. Sapagkat mabagsik sa pagiging matinik ang mga ito, kung ihahambing sa ibang mga pagkaing isda ng Pilipinas, naging tanyag ang pagbili ng mga naalisan ng tinik na mga bangus mula sa mga tindahan at pamilihan. 



7 comments: